Manila Cathedral
Web

 

Sharing on the devotion of Mary, the Immaculate Conception

Magandang umaga po sa inyong lahat, mga kapatid kay Kristo. Ako po si Sis. Baby Lampa. Nag-umpisa ang debosyon ko sa Mahal na Immaculada Concepcion wayback in 1986 ng lumipat ang office namin from Makati to Intramuros. Nag-start po akong mag serve dito bilang choir member and eventually as Lector/Commentator. Kasama ko na po sa pag-seserve ang aking asawa.

It’s really a great privilege to serve in a premier Church like the Basilica of the Immaculate Conception. Malaki po ang naitulong sa amin ng pagse-serve dito dahil lalong nagiging matatag ang aming pananampalataya sa ating Panginoon through the Blessed Virgin. Pahintulutan po ninyo na ibahagi ko sa inyo and isang pangyayari sa aming buhay kung saan nadama namin and tulong ng Mahal na Ina.

It all started in 2005 when our only child was diagnosed to be suffering from
Obsessive Compulsive Disorder, an abnormality on the Pathways of the Brain. Extreme and tumama sa kanya na mula sa isang pagiging mabait at mapagmahal na anak, naging bayolente siya at ito yung panahong nagdadalang-tao ang kanyang asawa. Nang manganak ang kanyang asawa, nagkaroon siya ng post partum syndrome at ilang beses siyang nagkaroon ng suicidal attempts.

Sa gitna ng matinding pagsubok lalong tumibay and aming pananampalataya na sa tulong ng Mahal na Ina, alam namin na malalampasan naming ang lahat ng mga pagsubok na dumadating sa aming buhay.

Hindi po kami nabigo dahil noong nakaraang taon, September 12, 2008 to be exact, lumipad patungong Canada and aming anak at pinalad na makapagtrabaho doon. Naiwan ang kanyang asawa at anak na nasa maayos na kalagayan.

Alam ko na marami pang pagsubok na maaring dumaan sa aming buhay ngunit hindi po kami pinanghihinaan ng loob dahil alam namin na mayroong isang Ina na handing dumamay at tumulong. Siya ang Mahal na Immaculada Concepcion.

 

<< previous | next >>